Tuesday, February 9, 2010

TAKE IT FROM ME

Kung di ka willing masaktan, habang nanliligaw pa lang siya e patigilin mo na. Kakambal ng pagmamahal ang sakit at sakripisyo. Mas maganda kung ienjoy mo muna ang buhay single. Mahirap na bumalik sa mundo ng single ng hindi ka injured.

* Isipin mo ang history ng manliligaw mo. Kung mabilis siya magpalit at magsawa noon, naku. Magisip ka na. Di tayo mga damit na kapag madumi na e magpapalit lang.

* Pwede ring itanong mo yung dahilan ng break up nila ng ex niya. Mas maganda kung alam mu ‘yung panig nilang dalawa. Malay mo nagsisinungaling yung isa, diba? Doon mo malalaman kung good boy talaga siya o hindi.

* Kung first ka man nya, siguraduhin mo na mature enough na siya para sa commitment. Hindi lang kasal ang bawal iluwa pag mainit, tandaan mo yan.

* Siguraduhin mo na nakapagmove on na talaga siya sa ex niya ha! Naku, wala akong masabi sa mga lalaking ganito.

* Wag na wag kang maniniwala sa mga sinasabi niya. Sabihin mo na ipakita niya by actions hindi sa mga mabulaklak na salita lamang.

* Hindi porke pinagkakagastusan ka niya ng pera at oras niya ngayon e mahal ka na niya. ULOL! Magisip ka nga, baka di mo alam ang pera at oras na masasayang mo kapag iniwan ka nyan.

* Di porke pinili ka niya ngayon e ikaw na talaga ang mahal niya. Siguro he just took you for granted kasi ayaw sa kanya nung mahal niya. (ouch)

* Wag kang magbibigay ng alam mong pagsisisihan mo lang. Wag mong ibigay ang mga bagay na di mo na mababawi kelanman. Wag mong ibigay lahat. In short, tikim tikim lang. (tama..)


* Kung nagiisip ka ng pwedeng iregalo sa kanya, tip ko sau e picture niyo. ‘Yung malaki ha, ‘yung hapi kaung dalawa, ‘yung PINAKAmaganda niyong pic ever para kapag naghiwalay kau at sa tuwing nakikita niya ‘yun e manghihinayang siya sayo na tipong masasabi niya sa sarili niya, “SAYANG! pinakawalan ko pa itong perfect girl na ito”

* Bumili ka ng katalinuhan. Oo, tanga ka pero wag mong abusuhin ang prebilehiyo ng pagiging tanga. Sayang naman ang paghihirap ng magulang mo kung magpapakatanga ka sa walang kwentang lalaki.

* Magimbak ka ng kahihiyan at awa sa sarili mo, kelangan ‘yun.

* Wag akuin ang di mo kasalanan. kapag nasanay siya, aabusuhin niya ‘yun. magmumukha kang kawawa. (eww parang ako)

* Lagi mong tandaan na kung mahal ka talaga niya, hindi kailanman sasagi sa isip niya na saktan ka. Kung tunay syang lalaki, may paki sya sa nararamdaman mo at sa relasyon niyo. (check!)

Sinong bitter? ;)

Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam?
Wag kang magpakatanga sa taong hindi marunong magpahalaga.
Matuto kang sumuko at mang-iwan kung lagi ka namang sinasaktan.
Imbes na magtanong ka ng "Hindi pa ba sapat?" Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat?
Kung alam mong binabale-wala ka na, tanggapin mong nagsasawa na siya.
Wag kang magpadala sa salitang sorry at ayokong mawala ka. Kung totoo yun, papatunayan nya.