Sino ba naman ang di nangarap na maging isang may-bahay? Lahat naman ng mga babae gusto maging wifey di ba?
Para sa akin, dalawang klase lang ng babae ang pwedeng maging isang WIFE MATERIAL..
Bawat lalaki kahit pa anong lahi, iba-iba ang pamantayang hinahanap sa pagkakaroon ng isang katuwang sa buhay.
May mga lalaking ang gusto ay palabang babae. May disposisyon sa sarili. Matapang, matatag at prangka. The more na mas independent mas may plus points. Karamihan ng mga lalaking naghahanap ng ganitong attitude sa mga babae ay yung mga lalaking “made na” meaning wala ng insecurities sa sarili. Malawak na ang pang-unawa at higit sa lahat naniniwala sa salitang men and women are born equal.. sila rin yung mga lalaking “relax na”, mas laid back kumbaga.
Meron namang mga lalaki na ang gusto, mahinhin. Totally opposite ng nabanggit ko sa taas, at ang mga lalaking karamihan na ganito ang gusto, well opposite din po sya ng nabanggit ko sa taas. Sila yung kulang pa sa experiences ng buhay. Hilaw at immature most of the time.. They’re the ones who would love to take control. At pwede lamang nilang gawin ‘yun sa mga taong kaya nilang …well sorry to say .. rendahan o kontrolin ng buong buo.
Actually walang masama sa parehong classification na nabanggit. Opposites attract, minsan it works, minsan hindi. Depende pa rin sa pagpili. Karamihan sa mga Pilipinong lalaki lalo na ‘yung mga taong lumaki sa probinsya o sa mas conservative na up bringing, mas pipiliin ang “wife material” na isang mahinhin, tahimik at mabait. Sadly ito rin ang klase ng wifey na nagiging insecure at selfish in the end..Nahawa na sa asawa…For sure walang pipili ng babaing matapang, palaban at prangka. Marami ng beses kong napatunayan ito. Ganunpaman, sabi nga kung ukol talagang bubukol at sa bandang huli kayo pa rin.
Maraming nagkakahiwalay na mag-asawa dala na rin ng pagkakaiba ng pag-uugali, views, culture, tradisyon o di kaya naman ay ang ‘di pagkakaroon ng pagkakataon na makilala ang isa’t-isa. Dito pumapasok ang advantage ng pagkakaroon ng pagiging HINDI palabang asawa. Matiisin kasi ang mga ganitong babae. Dahil kung ang napakasalan mo ay palaban, hindi ka na sisikatan ng araw, sakaling humanap ng iba ang lalaki..at yan ay isang napakalaking disadvantage . At mas mahirap “palitan” ang isang babaeng PALABAN na wifey, ‘di dahil takot ang lalaki, kundi dahil ang pagiging palaban ng isang babae ay sapat ng kaalaman para sa lalaki na, di ko ‘to kaya!
Battle of the sexes, ika nga.
Monday, November 28, 2011
ANG MGA BABAE.....
1. Moody: Inborn na sa mga babae to. Kung badtrip kami, wag niyo nang sasabayan.
2. Pag sinabi naming nagtatampo kami, lambing lang katapat: Yung salitang tampo way lang namin yun para sabihing lambingin niyo kami. Konting I love you niyo lang, okay na kami.
3. Gusto namin yung palagi kaming kino-compliment: Pag may bago sa itsura namin, gusto naming mapansin niyo. Kasi nakakataas ng self-confidence namin yun.
4. Pag napansin niyong naging sersyoso yung mga text namin, may mali: Kapag ganun, may nagawa kayong di namin nagustuhan. Kaya be alert. Kapag sinabe naming wala, meron talaga. Nahihiya lang kami. Kaya pilitin niyo kaming sabihin sa inyo. At pagtapos naming masabi, konting lambing lang. Back to normal na ulit.
5. Selosa kami: Kaya iwasan niyong makipag harutan sa ibang girls. Lalo na sa harapan namin. Pero may ibang babae na tahimik lang kung mag-selos. Inoobserabahan lang kayo. Pero kapag napuno, simula na ng away.
6. Kaming mga babae, normal lang ang ma-attract sa mga gwapo: Hanggang tingin lang kami. Kasi hindi naman na namin makikita ulit. Ma-attract man kami sa 1M lalaki, ang puso namin ay para lang sa tunay naming mahal. Ganun din naman kayong mga lalaki. Kapag nakakita ng maganda at sexy. Magaling lang kayong magtago.
7. Kaming mga babae, pinagmamalaki namin yung mga mahal namin ng hindi nila nalalaman: Katulad nalang sa mga GM (Group Message), Facebook at TUMBLR.
8. Ayaw namin sa mga manliligaw na nagmamadali: Yung tipo ng mga lalaking laging nagtatanong kung kailan ba namin sila sasagutin. Naiirita kami. Kaya dapat maging matiyaga kayo kasi dun namin nalalaman kung sino talaga kayo.
9. Kapag malungkot o tahimik kami, gusto namin ng yakap galing sa inyo: Kasi iba yung pakiramdam kapag hawak niyo na kami. Gumagaan yung pakiramdam namin. :">
10. Gustong gusto namin yung mga lalaking malaki ang respeto samin: Yung tipong pag ayaw namin magpa-kiss, hindi niyo gagawin. Instead, lalambingin ka na lang sa ibang paraan. Ang pinaka gusto naming kiss, kiss on the forehead. It symbolizes, respect.
11. Ang nagpapa-turn on samin ay yung lalaking protective: Yung kapag kasama namin kayo, feeling namin safe na safe kami. Walang mangyayaring masama at hindi kami ilalagay sa panganib.
12. Ayaw namin sa lalaking hanggang text lang: Kung mahal niyo talaga kami, patunayan niyo sa personal. Wag yung sa text lang kayo magaling. Magpaka-lalaki kayo!
13. Sobra kaming natutuwa sa mga lalaking ma-effort: Yung kahit walang special day, feel mo eh special ang araw araw niyo. Kasi sobrang nakakatuwa kapag ang lalaki laging nagpuput in ng effort. Feeling naming babae eh, isa kaming prinsesa.
14. Ang pangarap naming mga babae yung ipapakilala kami ng mga lalaki sa kanilang mga barkada at lalo na sakanilang pamilya: Feeling namin kami na yung pinaka maswerteng babae sa mundo. Kasi iilan lang ang lalaking naglalakas loob ipakilala kami sa parents at barkada nila. Yung iba kasi nahihiya. At feeling din nmin angkin na angkin na namin ang isang lalaki dahil nakilala na namin ang mga taong bumubuo sa buhay niya. :)
15. Magaling kaming mag-pretend: Kapag nasasaktan kami, nagpapaka-manhind kami. Kapag may nakitang di maganda, nagbubulagbulagan kami. Kapag may narinig na mali, nagbibingibingihan kami. Pero kapag mag-isa nalang kami, dun kami naglalabas ng sakit. Dun kami umiiyak. Kaya ang pangarap naming lalaki is yung sensitive enough sa mga nararamdaman namin. Yung kayang magtanong hanggang sa umamin kami.
Subscribe to:
Posts (Atom)