Sino ba naman ang di nangarap na maging isang may-bahay? Lahat naman ng mga babae gusto maging wifey di ba?
Para sa akin, dalawang klase lang ng babae ang pwedeng maging isang WIFE MATERIAL..
Bawat lalaki kahit pa anong lahi, iba-iba ang pamantayang hinahanap sa pagkakaroon ng isang katuwang sa buhay.
May mga lalaking ang gusto ay palabang babae. May disposisyon sa sarili. Matapang, matatag at prangka. The more na mas independent mas may plus points. Karamihan ng mga lalaking naghahanap ng ganitong attitude sa mga babae ay yung mga lalaking “made na” meaning wala ng insecurities sa sarili. Malawak na ang pang-unawa at higit sa lahat naniniwala sa salitang men and women are born equal.. sila rin yung mga lalaking “relax na”, mas laid back kumbaga.
Meron namang mga lalaki na ang gusto, mahinhin. Totally opposite ng nabanggit ko sa taas, at ang mga lalaking karamihan na ganito ang gusto, well opposite din po sya ng nabanggit ko sa taas. Sila yung kulang pa sa experiences ng buhay. Hilaw at immature most of the time.. They’re the ones who would love to take control. At pwede lamang nilang gawin ‘yun sa mga taong kaya nilang …well sorry to say .. rendahan o kontrolin ng buong buo.
Actually walang masama sa parehong classification na nabanggit. Opposites attract, minsan it works, minsan hindi. Depende pa rin sa pagpili. Karamihan sa mga Pilipinong lalaki lalo na ‘yung mga taong lumaki sa probinsya o sa mas conservative na up bringing, mas pipiliin ang “wife material” na isang mahinhin, tahimik at mabait. Sadly ito rin ang klase ng wifey na nagiging insecure at selfish in the end..Nahawa na sa asawa…For sure walang pipili ng babaing matapang, palaban at prangka. Marami ng beses kong napatunayan ito. Ganunpaman, sabi nga kung ukol talagang bubukol at sa bandang huli kayo pa rin.
Maraming nagkakahiwalay na mag-asawa dala na rin ng pagkakaiba ng pag-uugali, views, culture, tradisyon o di kaya naman ay ang ‘di pagkakaroon ng pagkakataon na makilala ang isa’t-isa. Dito pumapasok ang advantage ng pagkakaroon ng pagiging HINDI palabang asawa. Matiisin kasi ang mga ganitong babae. Dahil kung ang napakasalan mo ay palaban, hindi ka na sisikatan ng araw, sakaling humanap ng iba ang lalaki..at yan ay isang napakalaking disadvantage . At mas mahirap “palitan” ang isang babaeng PALABAN na wifey, ‘di dahil takot ang lalaki, kundi dahil ang pagiging palaban ng isang babae ay sapat ng kaalaman para sa lalaki na, di ko ‘to kaya!
Battle of the sexes, ika nga.
No comments:
Post a Comment