Wednesday, February 20, 2013

Sarap magmahal



Sarap magmahal ng taong mahal na mahal ka

Yung tipong hindi maghahanap ng iba dahil nandyan kana

Hindi makikipagtextmate sa iba dahil walang gana...

Hindi sasama dahil gusto nya na sayo lang sya...

At higit sa lahat kayang ipagmalaki na "GF" ko yan

Mahal na mahal ko yan at kahit anong mangyari di ko iiwan yan...?

Mahalin mo ang isang tao, habang mahal ka pa.



Mahalin mo ang isang tao, habang mahal ka pa.
Dahil baka hanapin mo yan sa mga susunod na araw na nararamdaman niyang nagsasawa na siya sayo, samantalahin at damhin mong mabuti ang pagmamahal niya, hindi lahat ng tao nakakaramdam ng tunay na pagmamahal, alagaan mo ito hanggat maari, hindi mo masasabi hanggang kailan yang pagmamahal na yan.
Hindi mo rin sigurado kung sino ang mga makikilala niyan, mahalin mo siya habang solong solo mo pa siya, minsan lang magmamahal ng ganyan yan. At kapag dumating na ang araw na nahirapan na siya, nagsawa na siya at nabaling ang atensyon niya sa iba, siguro magpasalamat ka na lang na minahal ka niya.
Dito dadating ang araw na mamimiss mo siya, magseselos ka, maiinggit ka, dahil ibang tao na ang pinapakitaan niya ng mga bagay na hindi mo napansin nung kayo pa.