Thursday, May 19, 2011

MAHAL NA MAHAL KITA AT ANG SAKIT SAKIT NA...



May mga bagay na panahon lang ang makakapagturo sayo.
Tulad kung gano mo kamahal ang isang tao.
Madalas malalaman mo lang kung gano mo sya kamahal pag wala na sya sayo.
Umaasa ka na lang na sa paglipas ng panahon, maibabalik mo kung anong nawala sayo.
O kung hindi na maibabalik ang dati,
babaguhin na lang ng panahon ang lahat ng bagay.
Pero bakit hindi binabago ng panahon ang puso mo?

Bakit kahit alam mong tapos na ang lahat pilit mong binabalikan yung simula at lagi mo tinatanong:

Pano kaya kung mas minahal ko sya?
Pano kaya kung hindi mo nalang sya minahal?
Pano kaya kung hindi nalang kayo nagkakilala para mabura nalang siya sa ala-ala mo? Pano kaya kung noong nagkatagpo kayo,
ibang tao ka at ibang tao rin sya,
sa ibang pagkakataon,
sa ibang lugar,sa ibang panahon.
Maiba din kaya ang tadhana nyo?
Kamay mo ba ang hawak nya?
Pangalan mo na ba ang bukang bibig nya?
Ikaw na ba ang nasa tabi nya?
Ikaw na ba ang kayakap nya?
Ikaw na ba ang mga dahilan ng mga ngiti nya?

(ITS BEEN A YEAR BUT I CAN STILL FEEL THE PAIN)

No comments:

Post a Comment